Kahandaan sa pagresponde sa sakuna, tiniyak ng PNP

Siniguro ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang kahandaan sa pagresponde sa sakuna.

Kahapon, isinagawa ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil ang pag-inspeksyon sa mga kagamitan ng PNP para sa disaster response.

Ani Marbil, sa 17 Police Regional Offices sa bansa, nagtalaga ang PNP ng 6,928 na mga tauhan para sa disaster response.


Mayroon din 40,613 search, rescue, and retrieval equipment, 5,462 vehicles at 43,519 supplies na handang i-deploy na may kabuuang budget na halos ₱204 milyon.

Ayon kay Marbil, malaking tulong ang mga kagamitan para sa pag-agapay ng pulisya sa mga maaapektuhan ng pagbaha, lindol at iba’t ibang sakuna.

Samantala, nagpasalamat din si Marbil sa mga pulis sa kanilang pagtulong sa mga nasalanta ng Bagyong Aghon.

Facebook Comments