Muling tiniyak ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia sa publiko na handa ang Comelec na mangasiwa sa plebesito para sa economic Charter Change isabay man ito o hindi sa 2025 midterm elections.
Pahayag ito ni Garcia sa kanyang pagbisita sa House of Representatives para sa isinasagawang Register Anywhere Program (RAP) ng Comelec.
Ayon kay Garcia, susunod sila kung ano ang magiging atas ng Kongreso at kung ano ang mapagkakasunduan ng Kamara at Senado hinggil sa pagdaraos ng plebisito.
Sabi ni Garcia, wala nang magiging gastos kung pagsasabayin ang plebisito at halalan sa 2025 dahil pahahabain lang naman ang balota habang 13-billion pesos naman ang kailangang pondo kung ito ay gagawin ng magkahiwalay.
Sang-ayon naman si Garcia sa sinabi ni Pangulong ferdinand bongbong marcos na pag-aralang itong mabuti.
Ayon kay Garcia, mainam din kasi na nakatutok lang ang mamamayan sa pagbabago sa ating saligang batas na hindi naman ordinaryong batas lang kaya may mga legal na isyu na dapat ikonsidera.