Naka-install ang limang mga Tsunami Early Warning System sa iba’t-ibang lugar sa bisinidad ng Dagupan upang makapagbibigay ng alarma o signal sakaling mayroong paparating na tsunami.
Ininspeksyon ng lokal na pamahalaan kasama ang PHIVOLCS, CDRRMO at PARMC ang isang Community Tsunami Alerting Station na nakabase naman sa isang bahagi sa Brgy. Bonuan Gueset.
Ayon kay PHIVOLCS Senior Specialist Camero, mahalaga ang pagkakaroon nito lalo na at makatutulong sa mga residente sa komunidad na maging aware o maalam ukol dito.
Samantala, pagtitiyak na alkalde na nakatakdang dagdagan ang TWES upang mas mapalakas ang kahandaan ng siyudad sa banta ng mga kalamidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









