KAHANDAAN SA SAKUNA, PINALAKAS SA EMERGENCY OPERATIONS CENTER TRAINING SA ALAMINOS

Pinalakas ng Lokal na Pamahalaan ng Alaminos City ang kahandaan nito sa sakuna sa pamamagitan ng tatlong araw na Emergency Operations Center (EOC) training.

Lumahok sa pagsasanay ang mga empleyado mula sa Alaminos City, kung saan tinalakay ang tamang operasyon ng EOC, koordinasyon ng mga tanggapan, at epektibong pagresponde sa iba’t ibang uri ng emergency at planned events.

Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi ang aktibidad ng patuloy na pagpapalakas ng disaster preparedness ng lungsod upang matiyak ang mabilis, organisado, at maagap na pagtugon sa panahon ng sakuna. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments