KAHANDAAN SA WATER SEARCH ANDRESCUE SA ALAMINOS CITY, PINAIIGTING

Pinaiigting ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ng Alaminos ang kahandaan ng mga personnel sa water search and rescue sa pagsapit ng Semana Santa.

Sumailalim ang mga CDRRMO personnel at ilang kasapi ng Barangay Disaster Response Teams sa limang araw na pagsasanay sa pagresponde sa mga hindi inaasahang aksidente sa katubigan.

Sa loob ng ilang araw, binalikan ang tamang pagsasagawa ng CPR na bahagi ng Basic Water Rescue o BAWAR at tinutukan ang paggamit ng Jetski sa pagresponde sa malalim na katubigan.

Tuluyan na ring nag-umpisa ang Oplan SUMVAC katuwang ang iba pang ahensya noong March 29.

Kaugnay nito, patuloy na nakaantabay ang tanggapan sa pagtitiyak ng kaayusan at kaligtasan ng mga turista sa lungsod bilang isa sa pangunahing dinarayo tuwing bakasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments