KAHANDAAN UKOL SA MONKEYPOX VIRUS TINIYAK NG HEALTH AUTHORITIES SA REGION 1

Tiniyak ng ahensya ng Department of Health Center for Health Development Region 1 ang kanilang kahandaan ukol sa virus na monkeypox.
Matatandaang pumutok ang balitang may isa nang kumpirmadong kaso ng monkeypox ang nakapasok sa bansang Pilipinas.
Dahil dito nakahanda na umano ang ilang mga isolation facilities para sa lahat ng mga pasyenteng magpopositibo sa naturang virus ayon kay Dr. Rheuel Bobis, ang information officer ng DOH-CHD1.

Pagdaragdag nito, nagkaroon na rin sila ng mga mandato sa mga Provincial Health Offices hinggil sa mahihigpit na protocols sa mga border control points upang hindi ito makapasok sa Rehiyon Uno.
Paglilinaw naman nito na sa ngayon ay wala pang suplay ng smallpox vaccines sa bansa na itinuturok ngayon bilang isa sa mga makakatulong na sugpuin ang monkeypox virus. | ifmnews
Facebook Comments