Kahandaang magbukas ng ilan pang tourist spots sa Pilipinas, tinitingnan na ng DOT

Tinitingnan na rin ng Department of Tourism (DOT) ang kahandaan ng ilan pang mga tourist destination sa bansa na magbukas sa gitna ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19.

Ayon kay Tourism Undersecretary Benito Bengzon Jr., isinusulong ng kagawaran ang unti-unting pagbabalik ng turismo sa bansa.

Sinimulan nila ito sa Boracay na unang binuksan noong Hunyo para lang sa mga taga-Aklan at kalaunan ay binuksan na rin para sa mga manggagaling sa Western Visayas.


Habang sa October 1, 2020, papayagan na ring bumisita sa Baguio ang mga turistang manggagaling sa Ilocos Region.

Ayon kay Bengzon, maaari nang mag-operate ang mga tourist destination na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) basta’t masunod ng mga ito ang guidelines na itinakda ng DOT.

Dapat din na aprubado ng Local Government Unit ang pagbabalik ng tourism activities.

Facebook Comments