Kahilingan makapagpiyansa ng dalawang akusado sa P6.4-B shabu shipment mula China, binasura ng Korte

Ibinasura ng korte ang bail petition ng dalawang akusado sa 6.4-billion shabu shipment mula sa China.

 

Sa resolusyon ng Manila RTC Branch 46, sinabi ng korte na dahil sa mga naunang pahayag at naging pag-amin ni Ruben Taguba na iprinuseso niya ang pagpasok sa bansa ng container van na may lamang shabu shipment sa pamamagitan ng Bureau of Customs at inamin din nitong siya ang nag-mamay-ari ng Golden Strike Logistics Inc.

 

Bukod dito, inamin din ng isa pang akusadong si Eirene Mae Tatad na pinayagan niyang magamit ang kanyang  trading firm bilang dummy consignee sa shipment.


 

Ayon sa korte, lumalabas na nagkaroon ng sabwatan sa pagitan ng dalawa para maipasok sa bansa ang shipment kaya lumakas ang ebidensya laban sa kanila.

 

Sina Taguba at Tatad ay kabilang sa mga kinasuhan ng pagalabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act dahil sa pagpuslit sa bansa ng P6.4B na shabu  mula China.

 

Kasama rin sa mga akusado si Kenneth Dong at ang mga atlarge

Richard Tan, Li Guang Feng alyas Manny Li, Tee Jay Marcellana, Chen I-Min, Jhu Ming Jhun at Chen Rong Juan.

Facebook Comments