Kahilingan ng DOJ na mailipat sa NCR ang paglilitis sa Governor Degamo killing, kinatigan ng Korte Suprema

Kinatigan ng Supreme Court ang kahilingan ni Justice Secretary Crispin Remulla na mailipat sa Manila Regional Trial Court ang paglilitis sa kaso ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ito ay mula sa mga korte sa Negros Oriental.

Una nang nagdesisyon ang Department of Justice (DOJ) at Department of the Interior and Local Government (DILG) na i-consolidate ang lahat ng kaso laban sa mga suspek sa krimen bago ito ilipat sa Metro Manila.


Kabilang sa mga nakasampang kaso laban sa mga naarestong suspek at ilang John Does ay murder at frustrated murder.

Facebook Comments