Ini-evaluate na ng Department of Justice (DOJ) kung maaaring maging testigo ng gobyerno o state witness and self-confessed gunman sa Dominic Sytin slay case na si Edgardo Luib.
Ayon Kay Justice Secretary Menardo Guevarra, titimbangin ng DOJ kung nakatutugon si Luib sa requirements ng mga tinatanggap na state witness.
Si Luib ay nadakip ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group o PNP CIDG, at umamin na siya ang bumaril sa negosyanteng si Dominic Sytin.
Ikinanta rin ni Luib ang kapatid na lalaki ng biktima na si Alan Dennis Sytin na mastermind sa krimen.
Paliwanag ni Guevarra, ang sinumang testigo na tinatanggap bilang state witness ay kailangang mag mahalagang testimonya para sa ikalulutas ng krimen, may nagpapatunay o magpapatunay ng kanyang testimonya, walang direktang ebidensiya ng kanyang partisipasyon sa krimen at hindi siya ang most guilty.
Una nang lumiham si Luib sa DOJ Panel of Prosecutors na nagsasaad ng kanyang pagnanais na maging state witness sa Dominic Sytin murder case.