Kahilingan ng MWSS ng dagdag alokasyon sa tubig, pinagbigyan ng NWRB

Aprubado na ng National Water Resources Board (NWRB) ang kahilingan ng Manila Water Sewerage System (MWSS) na dagdagan ang kasalukuyang alokasyon ng tubig para sa mga customers nito.

Ayon kay Sevillo David Jr Executive Director ng NWRB, nagdesisyon sila na dagdagan ang suplay ng tubig upang mabawasan ang nangyayaring water Interruption sa malaking bahagi ng Metro Manila.

Paliwanag pa ni David na simula April 1 hanggang 15, mag dagdag ng 50 cubic meter per second ang NWRB mula sa kasalukuyang 48 cubic meter per second.


Tiniyak naman ni David, hindi maapektuhan ang water reserve hanggang Disyembre sa kabila ng may nagbabanta na El Niño Phenomenon.

Dagdag pa nito na sa ngayon nasa 203. 3 meters above sea level ang tubig sa Angat Dam kung saan ito ay nasa normal level pa lamang.

Ang dagdag tubig na ibibigay ng NWRB ay ipapasa sa Ipo at La Mesa Dam na pinagkukunan ng Manila Water at Maynilad.

Facebook Comments