Kahilingan ng nakakulong na aktibista na madalaw ang nakaburol na sanggol, pinagbigyan ng Manila RTC

Pinagbigyan ng Manila Regional Trial Court ang kahilingan ng nakakulong na aktibistang si Reina Mae Nasino na mabigyan siya ng “furlough”.

Ito ay para madalaw ang pumanaw niyang tatlong buwang sanggol na si Baby River na namatay noong October 9, 2020 dahil sa acute respiratory distress syndrome.

Tatlong araw na kalayaan ang binigay ng Manila RTC Branch 37 kay Nasino o hanggang sa libing ng kaniyang anak sa Biyernes.


Kabilang naman sa mga kondisyon na ibinigay ng korte kay Nasino para sa kaniyang pansamantalang kalayaan ay ang pagsusumite ng death certificate ng kaniyang pumanaw na sanggol gayundin ang pag-escort sa kaniya mula city jail hanggang sa itinerary.

Kahapon, personal na naghain ng “very urgent motion for furlough” sa Manila RTC Branch 37 ang ina ni Nasino kasama si National Union of People’s Lawyer (NUPL) Metro Manila Secretary General Atty. Katherine Panguban.

Facebook Comments