Kahilingan ng Senado na padaluhin sa Senate hearing si Pastor Apollo Quiboloy, kinatigan ng korte

Kinatigan ng Pasig Regional Trial Court Branch 159 ang kahilingan ng Senado na padaluhin sa Senate hearing bukas si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy.

Partikular ang kahilingan ng Senate Committee on Women kung saan alas-10:00 ng umaga bukas ang pagdinig.

May kinalaman ito sa imbestigasyon sa mga reklamo at sinasabing pang-aabuso ni Quiboloy sa ilang mga kababaihan at kabataang miyembro ng Kingdom of Jesus Christ.


Bukod kay Quiboloy, pinadadalo rin sa committee hearing ang mga co-accused nito na sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Paulene Canada, Ingrid Canada, at Sylvia Cemañes.

Facebook Comments