Kahilingan ni Maria Ressa na makabiyahe patungong US, binasura ng Court of Appeals

Binasura ng Court of Appeals (CA) ang kahilingan ni convicted Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa na makabiyahe patungong Amerika.

Ayon sa CA Special 14th Division, nabigo si Ressa na mapatunayan na mahalaga ang kaniyang biyahe sa US, bukod sa itinuturing siyang flight risk.

Iginiit din ng Appelate Court na sa ilalim ng batas ay may restriction ang paglabas sa bansa ng isang indibidwal bagama’t siya ay may constitutional right kaya binasura ang kanyang Very Urgent Motion for Permission to Travel Abroad.


Kinontra din ng Office of the Solicitor General ang mosyon ni Ressa dahil maaari naman nitong tanggapin ang kanyang award sa US sa pamamagitan ng virtual.

Magugunitang una nang nagbaba ang Manila Regional Trial Court (RTC) ng hatol na guilty laban kay Ressa at sa dating Rappler researcher-writer na si Reynaldo Santos Jr. sa kasong cyber libel.

Facebook Comments