Kahilingang mabasura ang kaso laban sa mga sangkot sa mega shabu lab sa Catanduanes, ibinasura ng korte

Manila, Philippines – Ibinasura ng Makati City RTC ang motion to quash at recall warrant of arrest na inihain ng abugado ng isa sa mga akusado sa kaso kaugnay ng mega shabu laboratory sa Catanduanes na si Xian Xian Wang.

Ayon kay Judge Selma Alaras ng Makati City RTC branch 63, malinaw na nagsabwatan ang mga respondent sa pagmanufacture o ng iligal na droga o shabu sa Virac, Catanduanes.

Matatandaang sinangayunan ng Korte Suprema ang kahilingan ng Department of Justice (DOJ) na mailipat ang paglilitis sa kaso ng mga akusado kabilang dito si dating NBI Anti-Illegal Drugs Unit Chief Atty. Eric Isidoro mula sa Virac RTC patungo sa Metro Manila.


Matapos namang mailipat sa makati city rtc ang kaso ay kaagad ding iniutos ng hukuman ang paglilipat naman ng kulungan kay Isidro sa Makati City Jail mula sa Virac District Jail.

Facebook Comments