Kahina-hinalang aktibidad ngayong last day ng COC filing, pinare-report ng PNP

Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na manatiling mapagmatyag.

Ang panawagan ay ginawa ni PNP Chief PGeneral Rommel Marbil ngayong huling araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy ng mga tatakbo sa 2025 midterm elections.

Hinikayat ni Marbil ang publiko na agad na i-report sa PNP ang mga kahina-hinalang aktibidad na kanilang makikita partikular na ang may kinalaman sa aspetong pangseguridad.


Aniya, kailangan ng tulong ng pulisya mula sa komunidad para matiyak ang maayos at mapayapang eleksyon.

Hindi lamang kasi nakadepende ang tagumpay ng eleksyon sa mga awtoridad kun’di dahil na rin sa pakikipagtulungan ng mamamayan.

Una nang nagbaba ng direktiba si Marbil sa lahat ng pulis sa bansa na paigtingin ang pagbabantay ng seguridad para sa huling araw ng COC filing.

Facebook Comments