Kahina-Hinalang Package Natagpuan Sa Iligan City, Ilang Oras Matapos Ang Pagsabog Ng Isang Granada Na Ikinasugat Ng Apat

10

ILIGAN CITY – Ilang oras matapos sumabog ang isang granda sa Iligan City, Lanao Del Norte kagabi, isang kahina-hinalang package ang natagpuan kanilang umaga sa lungsodNabulabog ang mga residente matapos matagpuan ang isang kahon na nakabalot sa blue plastic foil na tila isang regalo sa kabahaan ng Quenzon Avenue extension sa Iligan City.Agad na kinordon ng bomb squad ang lugar pero wala naman lamang bomba o pampasabag ang naturang package.Una rito, bago mag-7:00 kagabi isang granada ang sumabog sa freedom park sa Brgy. Poblacion kung saan apat na bystander ang kumpirmadong sugatan.Base sa mga testimonya ng mga saksi, may nakita silang isang lalaki na sakay ng motorsiklo ang naghagis ng hand grenade sa freedom park.Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.

Facebook Comments