Sinabon ng husto ni Sentor Cynthia Villar ang Department of Agriculture at attached agencies nito sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Committee on Agriculture and Food.
Isinisisi kasi ni Villar sa kahinaan ng dairy program ng gobyerno ang pagiging mahina ng mga mahihirap na estudyante.
Paliwanag ni Villar, dahil sa kawalan ng mas murang gatas ay hindi na nakakainom nito ang mga mahihirap na eatudyante na nagiging dahilan kung bakit mahina sila sa paaralan.
Lumabas sa pagdinig na ang Philippine Carabao Center at National Dairy Authority ay 26 na taong ng nag ooperate pero wala paring malinaw na programa.
Ikinadismaya ni Villar na one percent lang ng dairy demand ng bansa ang naipo-produce at 99 percent ay imported.
Facebook Comments