Kahirapan at paglaban sa soberenya, ipinangakong ipaglalaban ng iba’t ibang grupo

Iba’t ibang grupo kasabay ng mga aktibidad sa bantayog ni Bonifacio sa Balintawak.

 

Nagsama-sama kanina ang mga taong simbahan at mga grassroots organizations sa isang aktibidad sa Cry of Balintawak Shrine kasabay ng paggunita sa 160th na anibersaryo ng “Ama ng Katipunan”.

Kabilang sa nakiisa sa aktibidad ay si Bishop Deogracias Iniguez, ang grupong Kilusang Makabansang Ekonomiya at ang Kilusan para sa Pambansang Demokrasya.


Ayon kay Bishop Iniguez, layon ng kanilang aktibidad na ipahayag na dapat umiral ang isang bansa na inuuna ang kapakanan ng mamamayan sa halip ang interes ng tubo o pera.

Panawagan ni Iniguez sa mga lider ng bansa, magpakita ng political will lalo na sa pagtatanggol ng soberenya ng bansa at sa impluwensya ng mga dayuhan para magdikta sa direksyon ng mga polisiya ng pamahalaan.

Giit ni Iniguez, hindi nagkakalayo sa kasalukuyang kalagayan ang mga ipinaglalaban noon ng mga katipunero.

 

Nanatili pa rin aniya ang problema ng kahirapan, kagutuman at pakikialam ng ibang bansa.

Pagkatapos magsagawa ng programa ng naturang mga grupo, nagmartsa ang mga ito mula sa St. Joseph Worker Parish hanggang sa Cry of Balintawak Shrine kung saan pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pag-aalay ng bulaklak.

Sinundad ito ng sabayang pagbasa ng pledge of commitment para sa sama-samang pagbabantay at pagkilos para sa Inang Bayan.

Facebook Comments