MANILA – Tiniyak ni Puso at Galing Presidential Candidate Sen. Grace Poe na gagawa siya ng mahigit isang milyong trabaho kada taon.Oras na manalo sa halalan, hindi lamang basta trabaho ang gagawin ng gobyernong may puso kundi isang milyong permanenteng trabaho.Ayon kay Poe, all-out war ang kanyang idedeklara laban sa kahirapan at una niyang tatapusin ang sistemang endo kasabay ng paglikha ng permanenteng trabaho sa pamamagitan ng pagpapa-unlad ng imprastruktura, agrikultura at negosyo sa bansa.Aniya, lahat ng problema ng bansa tulad ng kriminalidad, kagutuman at maging ng rebelyon ay dahil sa kahirapan.Sinabi pa ni Poe na hindi kamatayan para sa mga elemento ng krimen ang solusyon sa problema kundi kabuhayan para sa mamamayan sa Luzon, Visayas at lalong lalo na sa Mindanao.
Kahirapan, Lalabanan Ng Gobyernong May Puso Ni Senador Grace Poe, Isang Milyong Permanenteng Trabaho Kada Taon, Lilikhai
Facebook Comments