Kahit bagsak sa ikalimang puwesto sa FIBA Asia Cup, Chooks-To-Go Pilipinas – umani pa rin ng papuri sa Pinoy basketball fans

FIBA – Bumuhos pa rin ang pagbati mula sa Pinoy fans matapos makuha ng Chooks-To-Go Pilipinas ang ikalimang pwesto sa FIBA Asia Champions Cup.

Nabakuran ng Pinoy team ang pwesto matapos nilang talunin ang Mono Vampire ng Thailand sa laban kahapon sa score na 89-79.

Matatandaang noong Huwebes ay naudlot ng team China ang pangarap ng Pilipinas na makalusot sa quarterfinals ng liga.


Dahil dito, bumagsak sa consolation rounds ang bansa at kinalaban ang iba pang teams na nasa bottom ng standing.

Nagkasya naman sa sixth spot ang Thailand, samantalang ang Taipei at Dubai ay nasa seventh at eighth spot, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Nagtapos ang kampanya ng bansa sa nasabing liga na may 4-3 record.

Facebook Comments