Mas maraming pasahero ang umuuwi ngayon sa kanilang probinsya kumpara noong nakaraang taon.
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Commodore Armand Balilo, sa kabila ng pananalasa ng Bagyong Odette, dagsa pa rin ang mga pasahero sa mga pantalan na nais makauwi sa kanilang mga probinsya ngayong holiday season.
Kahapon, December 23, nakapagtala ang PCG ng kabuuang 63,082 outbound passengers at 52,813 inbound passengers sa lahat ng mga pantalan sa buong bansa.
Mas mataas ito sa bilang ng mga pasaherong naitala noong Miyerkules, December 22, kung saan nasa 15,006 ang umuwi sa kanilang mga probinsya habang 20,323 ang lumuwas pabalik sa National Capital Region (NCR).
Sa ngayon, marami pa rin ang humahabol na makauwi sa mga probinsya.
Paalala naman ni Balilo sa mga barko, mag-ingat sa pagbiyahe lalo’t maalon pa rin ang mga karagatan tuwing Disyembre.