Kahit hindi nakasama sa line –up, Andray Blatche, suportado pa rin ang Gilas

FIBA – Suportado ng naturalized Filipino basketball player na si Andray Blatche ang Gilas Pilipinas.

Ito ay kahit hindi napasama sa twelve-man Gilas Pilipinas line-up para sa FIBA Asia cup ang 6-8 na dating NBA player at ilang beses na miyembro ng national team.

Sa kanyang instagram post – binati ni Blatche ng “goodluck” ang Gilas para sa kanilang laro sa susunod na buwan sa Beirut, Lebanon.


Nagpasalamat din ito at sinabing isang malaking karangalan na maging bahagi ng Gilas.

Sa line-up na inilabas ni National Team Coach Chot Reyes, ang Fil-German na si Christian Standhardinger ang pumalit sa pwesto ni Blatche.

Kasama nito sina Jayson Castro, June Mar Fajardo, Japeth Aguilar at Calvin Abueva.

Kabilang din sa line-up sina Terrence Romeo, Gabe Norwood, Raymond Almazan, RR Pogoy, Matthew Wright, Jio Jalalon at Carl Bryan Cruz.

Facebook Comments