Pinagpapaliwanag ni Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman si Cagayan Governor Manuel Mamba kaugnay sa naging pahayag nito sa imbestigasyon ng Senado sa malawakang pagbaha sa Luzon nitong Bagyong Ulysses.
Sa joint senate committee hearing ay sinabi ni Gov. Mamba na wala silang Muslim sa Cagayan kaya wala silang problema sa kanilang peace and order.
Bagama’t naglabas na ng public apology ang information office ng gobernador ay umaapela pa rin si Hataman ng paliwanag mula sa local official.
Sinabi nito na kaibigan at parang kapatid na niya si Gov. Mamba dahil nakasama niya rin ito sa Kongreso at hindi niya ito nakilala na may paniniwala laban sa mga Muslim.
Sa pakiramdam ni Hataman ay kailangan pa rin ng personal at direktang paliwanag mula kay Mamba upang linawin ang kanyang mga naging remarks o komento na maituturing na diskriminasyon at paghamak sa mga Muslim.
Naniniwala naman si Hataman na hindi ito sinadya ni Mamba at ang nangyari ay “slip of the tongue” lamang ng gobernador.