KAHIT MAG-ALOK NG BLOOD MONEY | Gobyerno, iginiit na hindi makikipag-ayos sa mga pumatay sa Pinay OFW na si Joanna Demafelis

Manila, Philippines – Kasabay ng pilot episode ng OFW Konek sa DZXL RMN Manila, iginiit ni POEA OIC Administrator Bernard Olalia na kahit mag-alok ng blood money ang mga employer ng Pinay OFW na si Joanna Demafelis ay hindi ito tanggapin ng gobyerno ng Pilipinas.

Sabi ni Olalia, istrikto si Pangulong Rodrigo Duterte pagdating sa ganitong usapan at gusto rin aniya ng Pangulo na makamit ang hustisya para sa pagkamatay ni Joanna.

Kasabay nito aniya ay bumuo ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng isang Rapid Reaction Team na pupunta sa Middle East para alamin ang iba pang concerns o pangangailangan ng mga Overseas Filipino Worker doon.


Isa pa aniya, may itinayo na ring Command Center ang DOLE para direktang makipag-ugnayan sa mga OFW at sa mga kaanak ng mga ito na kasalukuyang nakakaranas ng pang-aabuso.

Facebook Comments