Kahit nagkaroon ng bakbakan…..nakatakdang ASEAN meeting sa Bohol, bukas – tuloy na tuloy na!

Manila, Philippines – Sa kabila ng nangyaring engkwentrosa pagitan ng Militar at Abu Sayyaf noong nakaraang linggo, tuloy pa rin ang Associationof Southeast Asian Nations (ASEAN) meeting sa Hennan resort sa Panglao, Bohol na magsisimula bukas, April 19 hanggang22.
  Ayon kay DILG Officer-in-Charge Catalino Cuy, mahigpit naseguridad ang ipinapatupad sa lalawigan ng bohol kasunod ng pag-atake ng AbuSayyaf sa bayan ng inabanga.
  Anya, nasa apat na libong operatiba ng PhilippineNational Police, Armed Forces of the Philippines, Emergency Response Units atiba’t-iba pang mga ahensiya ang ipakakalat sa mga pagdarausan ng ASEAN Summit meetingsna inaasahang dadaluhan ng nasa 200 delegado.
  Ang Pilipinas ang tumatayong chairman ng asean ngayongtaon kasabay ng ika-50 anibersaryo ng organisasyon.
 

Facebook Comments