Manila, Philippines – Kahit strike two na, hindi pa rin daw ititigil ng militar ang airstrikes sa Marawi.
Ito’y kahit nangyari ang ikawalang accidental bombing kung saan 2 sundalo ang namatay at labing isa ang nauwi sa ospital.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col Edgard Arevalo, importante ang airstrike para masapul ang mga teroristang Maute na nagkukumpol kumpol at nagtatago sa mga matitibay na istruktura ng lungsod.
Matatandang labing isang tropa ng marines, kasama ang isang batang tinyenta ang namatay matapos direktang mahulugan ng bomba sa Marawi airstrike.
Ito ang isa sa pinakamalalang insidente ng sinasabing firendly fire sa bakbakan.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
Facebook Comments