KAHIT NAKAKULONG | Faeldon, patuloy ang orientation bilang bagong deputy administrator for operations ng OCD

Manila, Philippines – Sa kabila na nakakulong na ngayon sa Pasay City Jail si dating Bureau of Custom Chief Nicanor Faeldon dahil sa hindi pagdalo sa unang mga pagdinig ng Senado kaugnay sa kotrobersyal na P6.4-billion shabu shipment mula China.

Sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Romina Marasigan na patuloy nilang ino-orient o binibigyan ng impormasyon patungkol sa kanyang responsibilidad bilang bagong Deputy Administrator for Operations ng Office of Civil Defense si Faeldon.

Giit ni Marasigan, mahalagang magkaroon ng kaalaman ang opisyal lalo’t sa ngayon ay may nararanasang kalamidad sa Albay kung saan patuloy ang pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.


Sinabi pa ni Marasigan na sa ngayon patuloy na nakikipag-ugnayan ang mga opisyales ng OCD kay Faeldon kaugnay pa rin sa orientation.

Ipinauubaya naman ng pamunuan ng OCD kay Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon kung dapat bang bawiin o i-recall ang posisyong ibinigay kay Faeldon bilang Deputy Administrator for operations ng OCD.

Facebook Comments