Manila, Philippines – Nilinaw ng Metro Manila DevelopmentAuthority (MMDA) na nagkaroon ng maayos na koordinasyon sa mga barangayChairman sa Quezon City kaugnay ng mga isinasagawa nilang clearing operation.
Kasunod ito ng kasong isinampa ng ahensya sa tatlongbarangay Chairman sa Ombudsman dahil sa kapabayaan matapos mabigong mapanatiliang cleanliness at orderliness sa kanilang nasasakupan.
Sa interview ng RMN kay MMDA Spokesperson Celine Pialago,sinabi nitong seryoso sila sa kanilang kampanya dahil gusto nilang mapaluwagang daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Sa katunayan aniya, may mga susunod pa silang kakasuhanna mga opisyal ng barangay sa Quezon City.
Ipinaliwanag naman nito na hindi lang QC ang kanilangpinupuntirya dahil nagkataon lamang na nauna ito.
Dagdag ni Pialago, sunod nilang iikutan ang Makati at Manilakaugnay ng isinasagawa nilang paglilinis sa mga lansangan.
Kahit nakasuhan na sa DILG, tatlong pabayang barangay Chairman – bigo pa ring maipatupad ang cleanliness at orderliness sa kanilang nasasakupan
Facebook Comments