Kahit pa nagbigay na ng extension of poultry ban sa probinsya ng Pangasinan ay hindi pa rin maiwasan ng ilang mga poultry breeders sa lalawigan ang mangamba pa rin sa maaaring maidulot ng Avian Influenza sa kanilang mga alagang manok.
Gaya na lamang ng ilang mga poultry breeder sa Mangaldan kung saan nangangamba pa rin ang mga ito sa maaaring maidulot ng mga nagsisulputang sakit ng mga alagang hayop tulad ng manok kung kaya’t doble ingat ang mga ito lalo na sa kalusugan ng kanilang mga inaalagaan.
Pasalamat pa rin naman ang mga ito sa aksyon na isinasagawa ng mga awtoridad upang maiwasan na magkaroon ng kaso ng Avian Influenza sa probinsya tulad ng pagkakaroon ng mas pinaigting na poultry ban.
Samantala, lalo pang pinaiigting sa probinsya ng Pangasinan ang ipinatupad na extension ng poultry ban kung saan hindi muna maaaring magpasok ng mga bird livestock mula sa labing pitong mga probinsyang tinutukoy.
Ayon sa Pangasinan Provincial Veterinary Office, hindi pa kasi na-lift ang mga red zone sa labing pitong probinsya nabanggit pagdating sa section ng Avian Influenza o AI kung kaya’t hindi muna maaaring makapasok ang mga ito sa probinsya bilang mapanatili ang pagiging AI free nito. |ifmnews
Facebook Comments