KAHIT WALANG 2G NETWORK | Ikatlong telecom player, tiniyak na kayang makipagkumpitensya sa 2 higanteng telecom companies

Manila, Philippines – Nilinaw ng National Telecommunications Commission (NTC) na kaya pa ring makipagkompitensya ng papasok na ikatlong telecom player sa dalawang higanteng kumpanya na PLDT Inc. at Globe Telecom.

Ito ay sa kabila ng pahayag ni Department of Information and Communications Technology (DICT) OIC, Usec. Eliseo Rio na wala ng maibibigay na 2G Network sa ikatlong Telco lalo’t halos lahat ng mga mobile devices ngayon ay 3G at 4G Network capable.

Ayon kay NTC Commissioner Gamaliel Cordoba – maaring gamitin ang 3G Network sa pagpapadala ng text at tawag.


Wala aniyang dapat ipag-alala ng third player lalo’t mawawala na sa merkado sa mga susunod na taon ang mga Featured Phones o basic mobile devices na gumagamit ng 2g Network dahil na rin sa tumataas na demand sa mga Smartphones.

Sa ilang bansa tulad ng Singapore, isinara na nila ang kanilang 2G services at pinalawig ang kanilang 3G at 4G networks.

Ang 2g Network ay sumusuporta sa tradisyunal na text messaging at call services.

Facebook Comments