Kaila Napolis, nanalo ng silver sa women’s ju-jitsu sa World Games

Muling nagpasiklab si Kaila Napolis matapos masungkit ang silver medal sa Women’s Ju-jitsu 52kg Ne-Waza ng 2025 World Games.

Matikas ang naging kampanya ng 28-anyos na Pinay grappler, dinomina ang eliminations at semis gamit ang kombinasyon ng matibay na depensa at mabilis na transitions.

Sa championship bout, umabot sa tabla ang iskor ngunit nakuha ng Korea ang advantage na nagbigay ng panalo.

Ang medalya ni Napolis ang unang podium finish ng Pilipinas sa torneo, dagdag sa kanyang koleksyon bilang dating SEA Games gold medalist at World Combat Games champion.

Facebook Comments