Manila, Philippines – Pagpapaliwanagin ng Laban Konsyumer ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS kaugnay ng mga batayan sa dagdag singil sa tubig ng mga water concessionaire.
Ayon kay Atty. Vic Dimagiba, presidente ng Laban Konsyumer, magpapadala sila ng liham kay MWSS Chief Regulator Patrick Ty para hinggan ng paliwanag.
Aniya, kailangan linawin ni Ty kung bakit isinama ang inflation sa dagdag singil.
Babala ni Dimagiba sakaling hindi tumugon si Ty sa kaniyang liham mapipilitan silang magsampa ng panibagong reklamo laban rito.
Facebook Comments