Manila, Philippines – Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proklamasyon at isang memorandum na nagdedeklara sa Communist Party of the Philippines (CPP) – New People’s Army bilang terorista.
Ang anunsyo ay kasunod ng isinagawang command conference ni Pangulong Rodrigo Duterte sa matataas na opisyal ng Armed Forces at Philippine National Police (PNP) .
Pero ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, hindi pa otomatiko ang proklamasyon.
Kailangan pa umanong maghain ng petisyon sa korte ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre para sa pagdedeklara sa CPP-NPA bilang terrorist group.
Papasok na R.A. 9372 o human security act ang mga kasong pwedeng isampa sa mga miyembro ng CPP-NPA gayundin ang mga grupo o indibidwal na nagbibigay ng tulong-pinansyal sa mga terorista.
Nauna nang ini-utos ni Pangulong Duterte ang pag-aresto sa mga miyembro ng CPP-NPA at mga legal fronts nito.