KAILANGAN PA NG PANAHON | Senado, pag-aaralan pa kung ilulusot ang Divorce Bill

Manila, Philippines – Kailangan pa ng Senado ng panahon para pag-aralan ang
Divorce Bill.

Ito ang inihayag ni Senate President Koko Pimentel makaraang lumusot na
kahapon sa third and final reading ng Kamara ang Divorce Bill.

Ayon kay Pimentel, ang nabanggit na panukala ay bagong konsepto kaya
mahalaga na mapag-aralan muna nilang mabuti.


Magugunitang mayorya na rin ng mga senador ang nagpahayag ng panlalamig sa
panukalang diborsyo dahil mas gusto nila na gawing mas abot-kaya at simple
na lang ang proseso ng annulment sa bansa.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments