Kakai Bautista, bumuwelta sa mga body shamers

35

Bumuwelta ang aktres at komedyanang si Kakai Bautista sa netizens na nagba-body shaming comments sa kaniya.

Sa Instagram post ni Kakai, pinalagan nito ang paniniwala ng ilang mga Pilipino na hindi seksi ang taong chubby.


Say kasi ni Kakai, ang mas importante ay ang pagiging masaya sa buhay at kung ano ang meron siya ngayon.

Habang ang totoo rin aniya, marami siyang kilalang payat pero hindi naman mabuti ang lagay ng kalusugan at mga morena na solid naman ang ganda.

Sa kanyang post ginamit din ni Kakai ang mga hashtag na #NoToBodyShaming at #Confidenceispower na umani ng pagsuporta sa ilang netizens.

Sumuporta rin kay Kakai ang ilang celebrities tulad nina; Kris Bernal at Sanya Lopez.



Facebook Comments