Jakarta, Indonesia – Tinaguriang ‘world’s ugliest’ ang isang kakaibang baboy na nakuhanan ng litrato sa Jakarta, Indonesia.
Ayon sa mga eksperto, Javan Warty Pigs ang tawag sa uri ng baboy na ito dahil puno kasi ito ng malalaking warts o kulugo sa kanyang muka.
Napag-alaman na paubos na pala ang lahi nito simula pa noong 1980 dahil sa mga mangangaso at sa pagkasira na rin ng kanilang tirahan sa mga kagubatan.
Sa ngayon ay nagsasagawa na ng pag-aaral ang mga eksperto para alamin ang tunay na estado ng populasyon nito at mabigyang proteksyon ng batas sa Indonesia.
Facebook Comments