KAKAIBA | Bakod na gawa sa pinagpatung-patong na TV set – agaw atensyon sa isang bahay sa Vietnam

39

Vietnam – Agaw-atensyon ang isang bahay sa hon thom island sa vietnam dahil sa kakaiba nitong bakod.

Sa halip kasi na bakal, bato o kahoy, alam niyo bang gawa ang bakod sa pinagpatung-patong na television set!

Nag-viral ang larawan nito sa Facebook matapos na i-upload ng user na si Thanh Tien.

Sinasabing pagmamay-ari ito ng isang television repairman kaya hindi na nakapagtataka na ganoon ang itsura ng kanyang bakuran.

May iba nga lang ang nangangamba na baka raw makasakit ang mga lumang TV sets lalo na sa mga bata kung halimbawang masira ang isa sa mga ito.

Pero ayon sa may-ari, ilang taon nang nakatayo sa harapan ng kanilang bahay ang TV set fence pero wala naman daw nagrereklamo.

Facebook Comments