KAKAIBA | Ice cream na may halong alak, ibinebenta ngayon sa Las Vegas

Las Vegas – Isang kakaibang ice cream ang inilabas ngayon sa Las Vegas na siguradong magugustuhan ng mga lasenggero.

Ang nasabing ice cream na Buzz pop cocktails: ay may halong alak kung saan three times ang lakas ng alcohol content nito kesa sa ordinaryong beer na nasa bote.

Sinasabing aabot sa 15% alcohol by volume ang content ng kada isang pirasong ice cream at mabibili ito sa halagang $99.99 (P5,328.00) ang isang pack na may walong piraso.

Hindi mo na din kailangan mag-worry kung tataba ka sa pagkain nito dahil mayroon lamang itong content na 100 calories kada isang pirasong “buzz pop cocktail” ice cream.

Facebook Comments