KAKAIBA | Isang aso sa New York, nakakuha ng record na may pinakamahabang buntot

Panghimagas – Mamamangha ka sa aso ng isang pamilya sa New York.

Ang aso kasi nilang si Keon ay binigyan ng titulo ng Guinness Book of World Record dahil sa haba ng buntot nito.

May haba ang buntot ni keon na 30.2 inches o dalawa at kalahating haba ng ruler.


Bago itanghal ang asong si Keon bilang longest tail on a dog ay ineksamina muna siya ng mga beterenaryo para malaman kung tiyak nga ba ang haba ng buntot nito at hindi nadadaya ng balahibo lamang.

Ayon kay Ilse Loodts, may ari kay Keon, maituturing niyang “gentle giant” para sa kanila ang kaniyang alaga dahil sa tapang at kaayusan nito bilang hayop.

Facebook Comments