KAKAIBA | Kauna-unahang prenatal musical instrument sa mundo, naimbento sa Canada

Canada – Isang pares ng Canadian Music Researchers ang nakaimbento ng wearable electronic device para sa mga buntis.

Ang “Womba” na tinaguriang “World’s First Prenatal Musical Instrument” ay isang device na ikinakabit sa palibot ng tiyan ng buntis para i-translate sa musika ang sipa at iba pang kilos ng fetus.

Imbensyon ito ni Aura Pon mula University of Calgary at kasamang si Johnty Wang ng McGrill University.


May sensor ang Womba na kapag tinamaan ng sipa o galaw ng baby sa loob ng tiyan ay may katumbas na chords.

Taong 2013 daw nang maisip niyang gawin ito bilang bonding tool ng ina at ng kanyang baby kahit ito ay nasa sinapupunan pa.

Facebook Comments