KAKAIBA | Kompanya sa Japan, may kakaibang pakulo para sa mga bagong kasal

Japan – Isang Japanese start-up company na binubuo ng mga faculty mula University of Tsubuka ang nag-aalok ngayon ng kakaibang serbisyo para sa mga newly-wed couple.

Ito ay ang pagpapadala ng kanilang mga wedding plaques sa space!

Naka-imprenta sa titanium plaques ang pangalan ang mga bagong kasal saka ito ilalagay sa maliit na cubes.


At sa tulong ng international space station, pakakawalan nila ito sa himpapawid na kukuhanan naman ng larawan ng mga astronauts.

Ngayong araw sisimulan ng kumpanyang Warp Space ang kanilang kakaibang pakulo kasabay ng gaganaping super bridal fair sa Okura Frontier Hotel Tsukuba.

Pero may bayad ito na 270 dollars o katumabas ng mahigit P14,000.

Facebook Comments