KAKAIBA! | Mamahaling sasakyan – ginawang kabaong para sa isang bangkay sa Nigeria

Nigeria – Viral ngayon sa social media ang bangkay ng isang matandang lalaki sa Nigeria matapos na ilagay ang labi nito sa mamahaling BMW upang gawing ataul at isama sa hukay o libingan.

Ayon kay Azubuike, tatay niya ang nasabing bangkay kung saan ibinigay lang daw nila ang luho ang kanyang ama sa huling pagkakataon.

Mahilig daw kasi sa mga mamahaling sasakyan nang nabubuhay pa ang kanyang ama.


Umani naman ng batikos ang paglilibing sa bmw na maari na umanong itulong sa mga mahihirap.

Pero depensa ni Azubuike – ibinigay lang daw nila ang isang desenteng libing sa kanilang ama bilang pagrespeto sa mga namayapa.

Facebook Comments