KAKAIBA | Pamumulot ng basura, daily habit ng milyonaryong negosyante sa China

Alam niyo ba na isa sa mga milyonaryong tao sa China ay isang mangangalakal ng basura?

Si Zhong Congrong na tinaguriang “the millionaire trash collector” ay isa ring matagumpay na businessman sa Chongqing, China.

Tatlong taon na ang nakakalipas nang simulan niyang mamulot ng basura matapos na ma-inspired sa isang retired university professor sa hainan province na daily habit din ang pamumulot ng kalat sa kanilang lugar.


Noong una, marami raw ang nagtataka kung bakit ang isang milyonaryong tao tulad niya ang namumulot ng basura sa daan.

maging ang pamilya niya nagtaka rin at umabot sa puntong hindi na makalabas ng bahay dahil nahihiya sa negatibong sinasabi sa kanila ng iba.

Pero nagbago raw ang pananaw dito ng mga tao nang mapansin nilang lumilinis ang kanilang lugar dahil sa effort ni Zhong.

Sabi ni Zhong, nais niyang ma-inspire din sa kanya ang iba na magkaroon ng self-discipline at mahikayat ang Chinese government na magpatupad ng mas mahigpit na regulasyon laban sa hindi tamang pagtatapon ng basura.

Sa huli, sinabi ni Zhong na wala sa academic degree, cultural background, edad o socio-economic status ng isang tao ang inisyatibong magpulot ng kalat sa daan.

Facebook Comments