Amerika – Iba’t-ibang reaksiyon ang natatanggap ngayon ng mag-asawang Kylie Jenner at rapper na si Travis Scott.
Ito ay dahil sa pagpili ng pangalan ng bagong nilang anak kung saan *“*Stormi Webster*”* ang ipinangalan nila dito.
Sunod-sunod na comments at reaction ang natanggap nila matapos mag-post ang 20-anyos na si Kylie ng unang larawan ng kanilang baby girl.
May nagsabing katunog ito ng isang pornstar na si Stormy Daniels na umaming nakatalik si US President Donald Trump habang ang iba ay hindi nagagandahan sa pagpili ng pangalan.
Idinugtong naman ng iba ang pangalan ng mga pamangkin ni Kylie at pinsan ni Stormi na sina North, Saint, Reign, Dream, Mason at Penelope.
Facebook Comments