Wisconsin – Agaw pansin ngayon sa isang bagong bukas na tindahan sa Grand Chute, Wisconsin ang kakaiba nilang record breaking attraction.
Nabatid kasi na nagtulong-tulong ang isang toilet paper manufacturer at ang Meijer store na itayo at buuin ang tinaguriang “Tallest Pyramid Made of Bath Tissue”*.*
Tinatayang nasa 14-foot at 3.75 inch ang taas nito at aabot naman sa 25,585 na rolyo ng toilet paper ang ginamit dito.
Makikita ang nasabing pyramid sa loob ng tindahan kung saan tinalo nito ang dating record ng Brazil noong 2012 na may 13-foot, 5-inch ang taas at may bilang na 23,821.
Plano naman i-recycle ang mga toilet paper para mai-benta pa ang mga ito at ang perang makukuha ay mapupunta bilang donasyon sa St. Joseph’s Food Pantry sa Menasha.
Facebook Comments