KAKAIBA| Record sa pinakamahabang wedding dress sa buong mundo, nasungkit ng bansang France

Panghimagas – Ikinatuwa ng mga residente ng Caudry sa bansang France matapos silang makasama sa listahan ng Guinness World Record.
Ito’y matapos nilang ipakita ang isang white gown na may 8,095.40 meters (26,559.71 feet) na haba kung saan tinalo nito ang nakuhang record ng china noong 2006 na may 4,680 meters lamang.
Sinasabing inabot ng dalawang buwan ang isang private company kasama ang labing limang volunteers na may kaniya-kaniyang design at saka na lamang nila ito ipinagsama-sama para mabuo ang itinuturing na “world’s longest wedding dress”.
Matapos na makuha ang record, nagawang maibenta ang nasabing dress pero pinaghati-hatian ito kung saan ang nalikom na pera ay ido-donate naman sa charity.

Facebook Comments