KAKAIBA! | Scale model ng Manhattan na gawa sa mga lumang computer components, hinahangaan

Zimbabwe – Wala na yatang mas hahaba pa sa pasensya ng isang 17-year old
artist mula sa Zimbabwe.

Tatlong buwan lang naman ang ginugol ni Zayd Menk para mabuo ang scale
model niya ng midtown Manhattan na gawa sa mga lumang computer components!

Ginawa raw ito ni Zayd para sa kaniyang school project.


Dito ay gumamit siya ng 263 stick glue, 27 motherboards, 11 cpu, 10 crt
monitor motherboards, 18 sticks ng ram, 15 batteries, 12 nokia e-series
phones, 7 power supplies, 4 na relo, 4 audio cards, 3 hard drives at
dalawang telepeno.

Ginamit naman niya ang google maps para makakuha ng ideya tungkol sa itsura
ng mga gusali at skycrappers ng Manhattan.

Tinawag ni Zayd na “recyclism” ang naturang scale model.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments