KAKAIBA | Sing-along shuttle service sa Finland, patok ngayon sa mga netizen

Finland – Isang sing-along shuttle service sa Finland ang pinag-uusapan ngayon ng mga netizen dahil sa offer nitong libreng sakay ngayong weekend papunta sa ginaganap na Ruisrock Music Festival sa Turku, Finland.

Makakaikot ang mga attendees ng nasabing festival sa ground ng pagtitipon, sakay ng electrically- powered BMW I3, basta dapat ay kumanta ang mga ito.

Sa oras na tumigil sa pagkanta ang pasahero, ay titigil rin sa pagmamaneho ang driver.


Ayon sa Clean Energy Company na Fortum, ang point ng promosyong ito ay upang ipamalita sa madla, na ang mga electric cars ay tahimik at hindi masasapawan ang kanilang boses, lalo na habang kumakanta.

May tablet sa mga kotseng ito na pwedeng pamilian ng mga kanta at may lyrics pa.
Say ng ilang netizen, mas bet nila ang ganitong pagkanta kaysa magkaroon ng awkward moment sa pakikipagchikahan kay manong driver.

Facebook Comments