India – Isang Indian artist ang hinahangaan ngayon dahil sa kakaiba nitong talento sa kaniyang mga obra.
Ang artist na si Midhun R.R. ay kayang-kayang gumawa ng mga artworks gamit ang mga buhok kung saan isa-isa niya itong inilalagay sa papel gamit ang isang mahabang karayom para maka-create ng kakaibang portrait.
Iba’t-ibang klase at sukat ng buhok ang kaniyang ginagamit at kapag natapos na ang kaniyang obra, ay saka niya ito tinatakpan ng mga glass panes para sa long-term preservation.
Bukod sa artwork na ito, kilala din si Midhun sa paglikha ng mga coffee paintings, 3d paintings, coconut shell carving, clay modeling at wire sculpturing.
Facebook Comments